Narkokristo, 1896 ni Ronaldo S. Vivo, Jr.

Narkokristo, 1896 ni Ronaldo S. Vivo, Jr.

by Philippine Books
$25.00
Sold by Philippine Books philippinebooks.comQuality 77
Author: Ronaldo S. Vivo, Jr. 233 pages Cover design by Danell Arquero Sa pagputok ng Himagsikang Pilipino noong 1896, isang mag-iitik at contrabadista sa Bayan ng Pateros--na kapuwa nag-aasam ng mailan na katarungan--ang makatutuklas ng pamamaraan upang masilayan ang Diyos. Sa pagbagsak ng Sanggunian sa kamay ng pinagsamang puwersa ng pamahalaang Kastila at simbahang Katolika, ipakikilala nila ang Kristong kanilang nakita. Ang "Narkokristo, 1896" ang unang aklat sa TRILOHIYANG ARSON. Ang Trilohiyang Arson ni Ronaldo S. Vivo, Jr. ay serye ng mga nobelang historikal na nakatali sa tema ng arson—sa metaporikal at metapisikal nitong katuturan. Isa itong pagsisiyasat sa trauma ng nasyon na nag-ugat mula sa pananakop ng mga Kastila, Amerikano, at Hapones. Buhat sa kamalayan ng isang ordinaryong Pilipino, iinog sa tatlong nobela ang diskurso ng pagkabulok ng isang lipunan na minamaniobra ng dahas, mula noon hanggang kasalukuyan.